Archive for the ‘In Filipino’ Category

Ikaw Lamang :)
12.18.2011

Ikaw ang pangakong taglay ng isang bituin
Tanging pangarap sa diyos ay hiling
Makapiling sa bawat sandali

Ikaw ang pag-ibig sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawi’ng hirap at pighati

Langit ang buhay sa tuwing ika’y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika’y mamasdan
Sa piling mo ang gabi’y tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang

Ikaw ang pag-ibig sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawi hirap at pighati

Langit ang buhay sa tuwing ika’y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika’y mamasdan
Sa piling mo ang gabi’y tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang

Langit ang buhay sa tuwing ika’y hahagkan
Anong ligaya sa tuwing ika’y mamasdan
Sa piling mo ang gabi’y tila araw
Ikaw ang pangarap

Ikaw ang pangarap
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang…

Advertisements

Kadenang Tubig (Chains of Water)
04.21.2011

Kadenang Tubig (Chains of Water)

Kadenang tubig…
na bumibigkis sa puso
sa ala-ala ng isang pag-ibig
Palayain ako…

Kadenang tubig…
na sumasalamin sa maraming saya,
luha, langit at ligalig
Iwan ako…
At iwaksi sa bigkis ng isang pangarap
Na di na magbabalik pa…

Kadenang tubig…
tunay kang nakasusugat
nakapagdurugo…
Sa isang lumang damdaming
Malaon ng dapat maglaho…

Kadenang tubig…
nakadikit sa isang pag-asang guni-guni
multo ng isang limot na nakaraan
ng isang kahapong minsan lang nagdaan
Bayaan ako…

Kadenang tubig..
minsang dumapo sa wagas na pag-ibig
minsang lumapit sa aking pag-ibig
At… winasak ako…

written by Vicky, 1991


written for my first love.
at that time, it was difficult to forget, difficult to move on…
chains… i felt them… what can i say? i fall hard… 🙂

Di Lamang Dugo (Not blood alone)
04.21.2011

Di Lamang Dugo… (Not blood alone…)

Di lamang dugo…
Ngunit pati tinta
Ang nananalaytay
Sa ugat
Ng isang manunulat…

Di lamang pag-ibig…
O balita kaya
Kundi galit din
Ang namumutawi
Sa isip
Ng isang manunulat…

Pilit na binabawi
Ang dilim ng liwanag…
Alay sa pangako
Ng sinumpang katarungan…
Buhay man ibubuwis
Ng isang manunulat…

Lupa man o langit
Maisusumpa
Tao man o hayop
Maaaring itatwa
Para sa katotohanan
Lahat ay imumulat…
Mga kaibigan…
Yan ang manunulat!

written by Vicky, 1992

during my days as an activist college writer (university publication). this poem talks about a writer’s heart to write for truth and freedom… those were the days 🙂

Hithit Buga sa Buwan ng Oktubre (One October Night)
04.21.2011

Hithit Buga sa Buwan ng Oktubre (One October Night…)

Hithit…buga. Ang sarap talaga. Hatinggabi. Isang sulyap sa langit, isang gabing madilim. Usok lumalaro sa hangin…

Hithit… buga.

Buwan ng Oktubre na naman… isang taon ang lumipas. Parang tubig lang na umagos sa aking kamay ang mga araw na nagdaan…

Sabagay, hindi na rin masama. Isang bagong anak. Dalawang lipat ng bahay. Isang pagtaas ng posisyon sa trabaho.

Sampung kurot sa puso, labing-isang pagdamay ng katoto. Tatlong anghel ng sinapupunan. Isang kabiyak ng kaluluwa. Isang tahanang tinagpi-tagpi ng pagmamahal.

Isang halakhak, sangdaang luha. Sangdaang kaha ng yosi, libong dasal.
Libong pagsubok, milyong pagwawagi.

Mga gabing tulad nito, ahh hindi na mabilang.
Isang tingala sa langit, isang pasasalamat.

Hithit… buga…

Hindi na nga masama…

Libong oktubre pa, matapos nitong ika tatlungpu’t-apat, hihingin ko, yayakapin, haharapin.

Hatinggabi… buwan ng Oktubre.

Hithit… buga.

written in Filipino by Vicky, 2005

[Counting my Blessings on my 34th Birthday… literally 🙂 ]

%d bloggers like this: