Hithit Buga sa Buwan ng Oktubre (One October Night)

Hithit Buga sa Buwan ng Oktubre (One October Night…)

Hithit…buga. Ang sarap talaga. Hatinggabi. Isang sulyap sa langit, isang gabing madilim. Usok lumalaro sa hangin…

Hithit… buga.

Buwan ng Oktubre na naman… isang taon ang lumipas. Parang tubig lang na umagos sa aking kamay ang mga araw na nagdaan…

Sabagay, hindi na rin masama. Isang bagong anak. Dalawang lipat ng bahay. Isang pagtaas ng posisyon sa trabaho.

Sampung kurot sa puso, labing-isang pagdamay ng katoto. Tatlong anghel ng sinapupunan. Isang kabiyak ng kaluluwa. Isang tahanang tinagpi-tagpi ng pagmamahal.

Isang halakhak, sangdaang luha. Sangdaang kaha ng yosi, libong dasal.
Libong pagsubok, milyong pagwawagi.

Mga gabing tulad nito, ahh hindi na mabilang.
Isang tingala sa langit, isang pasasalamat.

Hithit… buga…

Hindi na nga masama…

Libong oktubre pa, matapos nitong ika tatlungpu’t-apat, hihingin ko, yayakapin, haharapin.

Hatinggabi… buwan ng Oktubre.

Hithit… buga.

written in Filipino by Vicky, 2005

[Counting my Blessings on my 34th Birthday… literally 🙂 ]

Advertisements
%d bloggers like this: