Kadenang Tubig (Chains of Water)

Kadenang Tubig (Chains of Water)

Kadenang tubig…
na bumibigkis sa puso
sa ala-ala ng isang pag-ibig
Palayain ako…

Kadenang tubig…
na sumasalamin sa maraming saya,
luha, langit at ligalig
Iwan ako…
At iwaksi sa bigkis ng isang pangarap
Na di na magbabalik pa…

Kadenang tubig…
tunay kang nakasusugat
nakapagdurugo…
Sa isang lumang damdaming
Malaon ng dapat maglaho…

Kadenang tubig…
nakadikit sa isang pag-asang guni-guni
multo ng isang limot na nakaraan
ng isang kahapong minsan lang nagdaan
Bayaan ako…

Kadenang tubig..
minsang dumapo sa wagas na pag-ibig
minsang lumapit sa aking pag-ibig
At… winasak ako…

written by Vicky, 1991


written for my first love.
at that time, it was difficult to forget, difficult to move on…
chains… i felt them… what can i say? i fall hard… 🙂

Advertisements
%d bloggers like this: